GMA Logo Klarisse De Guzman
photo by: unanghirit IG
What's Hot

Klarisse De Guzman bilang Nation's Mowm: 'Ang daming kong anak paglabas ko'

By Kristine Kang
Published June 23, 2025 12:15 PM PHT
Updated June 23, 2025 12:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Taekwondo medalists from the Philippines in the 2025 SEA Games
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Klarisse De Guzman


Bumisita na sa 'Unang Hirit' ang Kwela Soul Diva ng Antipolo, Klarisse De Guzman!

Good vibes agad ang hatid ng Unang Hirit ngayong Lunes, June 23, dahil bumisita ang Kwela Soul Diva ng Antipolo, Klarisse De Guzman!

Sa masayang kuwentuhan kasama ang UH barkada, todo pasasalamat ang former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate sa suportang natanggap nila ni Shuvee Etrata mula sa fans.

Isa sa mga kinaaliwan sa kaniya online ay ang bansag na "Nation's Mowm" dahil hindi lang siya naging nanay sa loob ng bahay, kundi para na rin sa buong bansa!

"Nakakatuwa. Actually 'di ko in-expect na 'yung mowm tatatak talaga sa kanila. Nasanay lang rin kaming lahat sa loob 'mowm, mowm,'" kwento niya. "Nakakatuwa na ang daming kong anak paglabas ko. Ang saya na tawag nila sa akin 'mowm, mowm.'"

Aminado si Klarisse na miss na miss na niya ang tinatawag nilang Pamilya De Guzman. Lalo na't sa tuwing dumaraan siya sa PBB house ay gusto niya raw pumasok muli kasama si Shuvee.

Para naman kay Shuvee, malaki ang naging papel ni Klarisse sa loob ng bahay na tila talaga raw isang nanay.

"Sobrang significant ni mowm sa bahay kasi dahil sa kaniya may respeto, balance. We look up to [her]," ani Shuvee.

Maliban sa pagiging “mom figure,” kilala rin si Klarisse bilang kusinera ng bahay. Mula sa sikat niyang Dobosisig (Adobo na sisig) hanggang sa pininyahang manok, inaasahan palagi ng housemates ang kaniyang masasarap na luto.

Inamin din ni Klarisse na todo asikaso siya sa kusina at siya mismo talaga ang nagpa-plano ng kanilang kakainin araw-araw.

"Gabi pa lang, dine-defrost ko na 'yung karne para for sure baka may task 'di magawa. Depende kung may request sila, i-try," kuwento ni Klarisse.

Nang tanungin kung sino ang paborito niyang “anak” sa loob ng bahay, natawa na lang si Klarisse. Pero sa huli, binanggit niya sina "Esnyr, Will (Ashley), at Shuvee."

Kabilang sina Klarisse at Shuvee sa latest evictees ng PBB Celebrity Collab Edition. Pero bumalik sila kasama ang ibang ex-duos bilang house challengers laban sa mga natitirang housemates.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.

MAS KILALANIN SI KLARISSE DE GUZMAN SA GALLERY NA ITO: