GMA Logo klarisse de guzman
Source: gmapublicaffairs (IG)
What's Hot

Klarisse de Guzman, inulit ang iconic 'OA' line sa labas ng Bahay ni Kuya

By Marah Ruiz
Published June 15, 2025 5:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

klarisse de guzman


Inulit ni Klarisse de Guzman ang iconic niyang "OA" line matapos makita ang sundo ng ka-duo na si Shuvee Etrata.

Sina Kapuso star Shuvee Etrata at Kapamilya star Klarisse de Guzman ang latest na evictees ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sinalubong sila ng kanilang mga mahal sa buhay sa kanilang paglabas sa Bahay ni Kuya.

Ang tall, dark, and handsome na bagong Sparkle talent na si Anthony Constantino ang isa sa mga sumundo kay Shuvee.

Sa muli nilang pagkikita, naghandong ng bouquet at isang mahigpit at mahabang yakap si Anthony kay Shuvee.

Hindi naman napigilang magbiro ng ka-due ni Shuvee na si Klarisse na magbiro da gitna ng nakakakilig na moment ng dalawa.

A post shared by GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)

"OA!" sigaw niya habang sumesenyas ng ekis at kunwaring nag-walk. Tuwang tuwa naman ang mga kasamahan nila at sinabayan pa ang iconic line ni Klarisse mula sa loob ng Bahay ni Kuya.

"Sorry kung tinapakan ko yung love team niyo," papapatuloy niya sa pagbabalik niya sa gitna ng tawanan.

Ipinakilala naman ni Shuvee si Anthony kay Klarisse, na pabirong hinablot ang flowers na dala nito.

A post shared by GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)

Samantla, sinundo naman si Klarisse ng partner niyang si Christina Rey sa kanyang paglabas sa PBB House.

A post shared by GMA Public Affairs (@gmapublicaffairs)

Nakatanggap din siya ng mensahe ng suporta mula kay Unkabogable Star Vice Ganda.

Related gallery: Kilalanin ang "Kuwela Soul Diva ng Antipolo" na si Klarisse dito:

Sa ngayon, ang natitirang duos sa bahay ay sina AZ Martinez at River Joseph; Dustin Yu at Bianca de Vera; Mika Salamaca at Brent Manalo; Charlie Fleming at Esnyr Ranollo; at Will Ashley at Ralph de Leon.

Patuloy na subaybayan ang inyong paboritong housemates.

Samantala, mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan sa loob ng Big Brother house araw-araw sa All-Access Livestream ng programa.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.