
Kinagigiliwan ngayon sa social media lalo na sa short form video streaming app na TikTok ang mga eksena nina Barbie Forteza at David Licauco bilang Klay at Fidel sa high-rating Kapuso primetime series na Maria Clara at Ibarra.
Sa katunayan, ang ilang reposted video clips ng Klay and Fidel moments ay umaabot na sa mahigit sa 3 million views. Katulad na lamang ng eksena kung saan inaya ni Fidel na ihatid si Klay pauwi ngunit tumanggi ito at sinabihan pa siya ng salitang "Babu."
@typicalfangirl [Episode 4] Klay and Fidel, Fidel sinaunang playboy #fyp #mariaclaraatibarra #foryou #barbieforteza #davidlicauco #fypシ ♬ Chạy ngay đi _ Sơn Tùng MTP - dhn
Umabot naman sa halos 2 million views ang reposted video ng bardagulan moment ng dalawa kung saan sinampal ni Klay sa Fidel dahil sa pagiging insensitive nito sa damdamin ng una.
@lapilluschantyyy FIDEL REDFLAG ERA #mariaclaraatibarra #nocopyrightinfringementintended #barbieforteza #davidlicauco ♬ Super Freaky Girl - Nicki Minaj
Iba't iba rin ang nararamdaman ng mga netizen sa tandem ng dalawa, pero mas marami ang kinikilig sa kanilang mga bangayan at away-bati na eksena.
"Mas kinikilig ako pag nagbabardagulan sila," komento ng isang netizen.
"Ship [love emoji] iba din chemistry nilang dalawa," usisa naman ng isang netizen.
"Feel ko enemies to lovers 'to," usisa naman ng isa pang viewer.
Patuloy na subaybayan ang kuwento ni Klay sa mundo ng nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.
Para sa mga Kapuso abroad, mapapanood din ito sa GMA Pinoy TV.
Maaari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
KILALANIN ANG MGA TAUHAN SA MARIA CLARA AT IBARRA SA GALLERY NA ITO: