GMA Logo Klea Pineda and Althea Ablan
What's Hot

Klea Pineda at Althea Ablan, ikinuwento ang pagsisimula nila sa showbiz

By Kristian Eric Javier
Published March 16, 2023 1:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda and Althea Ablan


Paano nga ba nagsimula sa industriya sina Klea Pineda at Althea Ablan? Alamin dito.

Gaya ng ibang mga artista, hindi rin naging madali para sa AraBella stars na sina Klea Pineda at Althea Ablan ang makapasok sa industriya.

Sa interview nila sa GMA Regional TV morning show na "BizTalk", ikinuwento ng dalawa kung paano sila nagsimula sa showbiz.

Si Klea ay nanalo bilang Ultimate Female Survivor sa season 6 ng reality talent competition na StarStruck, kasabay ang ilang mga kapwa Kapuso na niya ngayon na sina Faith da Silva at Arra San Agustin.

Pero bakit nga ba sumali si Klea sa StarStruck? Ayon sa aktres, “Of course, part siya ng dream ko.”

“One of my dreams talaga e makita talaga ako sa TV, billboards, and siyempre yung aarte ako sa harap ng camera. Kaya sumali ako dun kasi gusto ko tuparin yung pangarap ko,” sabi niya.

Para naman kay Althea, nagsimula ang journey niya sa pag-aartista noong 6 years old pa lang siya nang lumabas siya sa mga TV commercial.

“Nag-try lang kami mag-VTR, tapos hindi namin alam na 'O, para sa' kin pala yung showbiz industry.' So nung nasisimulan ko na siya, sobrang na-e-enjoy ko siya,” kuwento niya.

Sinabi rin niyang sinubukan niya mag-audition sa GMA nang dalawang beses.

Pag-alala niya, “Nung first, sabi nila 'Wait mo yung call namin' pero wala akong natanggap na call. Pero nung second, ayun na, doon na nag-start, nag-Encantadia ako, Mulawin, tapos nagkaroon ng Prima Donnas tas itong AraBella so yun na yung journey ko ngayon.”

Aminado rin ang dalawa na marami pa silang dapat ma-improve sa kanilang acting skills at sinabing masaya ang dalawa na may chance silang matuto galing sa mga beteranong aktor na kasama nila sa serye.

Ayon kay Klea, “Very grateful kami kasi meron na kaming mga ways kung paano namin mas ma-improve yung mga dapat namin ma-improve, kasama yung mga taong gumagabay sa amin.”

MAS KILALANIN PA SI ALTHEA SA GALLERY NA ITO: