GMA Logo Klea Pineda, Dina Bonnevie
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Klea Pineda, mapapanood sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published December 28, 2023 2:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Are stars born or made? Vina Morales, Tessie Tomas weigh in
'Star Wars: The Mandalorian and Grogu' to hit Philippine theaters on May 20
Over 200 families evacuated; bridge collapses due to flooding in Davao City

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda, Dina Bonnevie


Ano kaya ang role ni Klea Pineda sa hit GMA series na 'Abot-Kamay Na Pangarap?'

Ngayong Huwebes, December 28, mapapanood si Klea Pineda bilang guest sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa episode na ipapalabas mamaya, makikilala si Klea sa serye bilang si Justine Refuerzo.

Una siyang makikita sa loob ng Eastridge Medical Hospital, at una niyang makakaeksena si Dina Bonnevie na kilala sa programa bilang si Giselle Tanyag o Madam Giselle.

Sino kaya si Justine? Mayroon ba siyang koneksyon sa ilang mga karakter sa serye?

Abangan ang mga eksena ng karakter ni Klea at ng ibang pang kabilang sa cast ng pinag-uusapang serye sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, napanood na rin bilang guest stars sa serye ang iba pang Sparkle artists.

Ang hit inspirational-medical drama series ay pinagbibidahan nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.

Silipin ang ilang eksenang mapapanood mamaya sa serye:

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.