
Kuwento ni Sofia sa Kapuso Mo, Jessica Soho, bata pa lang siya ay may nagpaparamdam na sa kaniya na kakaibang elemento sa bahay ng kaniyang lola sa Quezon.
Ngunit kahit tumanda na siya't magkaroon ng panibagong bahay, tila may kakaibang elemento pa ring nakamasid sa kaniya.
Kuwento niya, “Sabi nga nila dapat magpapaalam ka kapag ire-renovate mo 'yung bahay kaso that time hindi ko talaga nagawa.”
Naglagay ng CCTV si Sofia sa kaniyang bahay na nagpakita ng mga kakaibang paggalaw ng mga gamit.
Pinaimbestigahan nina Sofia ang kanilang bahay sa eksperto nang malaman kung ano ang paliwanag sa mga kakaibang pangyayari na nakita sa CCTV.
Sinuri ng isang paranormal consultant at physicist ang bahay ni Sofia para magbigay linaw sa mga kakaibang pangyayari rito.
May poltergeist nga kaya sa bahay ni Sofia? Alamin sa KMJS: