
Dating kutis porselana ang tubong Cavite na si Sharmaine, pero nalapnos at namaga ang buong katawan matapos sumabog ang tangke ng LPG sa kanilang kusina.
Sa nakaraang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, kuwento ni Sharmaine, sadya raw mahilig siyang magluto, pero nagbago ang lahat nong may naganap na trahedya sa kusina ng kanilang bahay nang sumabog ang tangke ng LPG na nagdulot ng pagkalapnos ng kanyang katawan.
Nitong June 19 lamang daw nangyari ang trahedya nang magpapainit sana ng tubig si Sharmaine.
Sa lakas ng pagsabog, nabakbak ang kisame ng kanilang bahay, at ang mga kurtina sa kusina, halos nalusaw.
Isang araw bago maganap ang trahedya, napag-utusan daw si Sharmaine na magluto ng handa para sa binyag ng kaniyang pamangkin.
Pansamantalang inilipat ng ama ni Sharmaine ang tangke ng LPG sa bahay, at kinalaunan ay ibinalik din.
Noong hatinggabi ng Hunyo 19, nangyari na ang hindi inaasahang pagsabog sa loob ng kusina dahil sa sumingaw na tangke.
Naitakbo pa si Sharmaine sa ospital at nakitang nagtamo siya ng second at third degree burns.
Ayon kay Harold Reyes, Fire Chief and Response Fire Volunteer sa Mandaluyong City, "Ang posible talaga na rason ng pagsabog is leakage ng LPG."
Kapag meron daw leakage ng LPG mag-ingat daw sa pagbukas ng ilaw o paggamit ng saksakan sa paligid. Aniya, "Huwag magsisindi ng ilaw or magsasaksak sa power outlet kasi meron 'yang static at possible na magliyab 'yung LPG kasi may kuryente [sa paligid]."
Dapat rin daw inspeksiyunin ang areas at valves ng tangke bago at pagkatapos itong gamitin.
Ano kaya nangyari at nagkaroon ng pagsingaw ng tangke? Papaano kaya makaiiwas sa ganitong uri ng insidente? Makaligtas kaya si Sharmaine sa tinamo niyang mga sugat? Tunghayan ang buong pangyayari sa video ng KMJS:
Related content:
KMJS: 16-anyos na dalaga, nagmukha na raw 50-anyos?
KMJS: Dalagita mula Palawan, lumobo ng 40DDD ang dibdib!