GMA Logo kmjs kidney for sale
What's Hot

KMJS: Bentahan ng kidney, online na rin?

By Dianara Alegre
Published August 26, 2020 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 23, 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

kmjs kidney for sale


Dahil sa hirap ng buhay ngayong pandemya, naging talamak umano ang bentahan ng kidney o bato, at online na ang transaksyon para rito.

Sa hirap ng buhay ngayong pandemya, marami ang nawalan ng trabaho at hanapbuhay.

Dahil dito, mas naging talamak umano ang bentahan ng kidney o bato, kung saan maaaring kumita ng PhP300,000 hanggang PhP500,000 ang sinumang magbebenta.

Pero kung dating lihim ang bentahan, idinadaan na rin umano ang transaksyon ng mga nagbebenta at bumibili nito online.

Kidneys for sale

Tinutukan ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang naturang isyu at natuklasan nila sa kanilang pagsisiyasat na mayroong mga Facebook page at group na naghahanap kidney donors.

Gaya na lamang ni Macoy, hindi niya tunay na pangalan, na kumapit na sa patalim dahil sa hirap ng buhay.

“Ang trabaho ko po dati, nagpapataya sa karera ng kabayo.

"Siyempre po, wala nang karera dahil lockdown na, wala na po talaga akong pagkakakitaan. Wala ka pong pambili ng gusto mong kainin,” lahad niya.

Dahil dito ay napagdesisyunan niyang ibenta online ang isa niyang kidney.

“Mayroon silang group sa Facebook. Magpo-post ka lang du'n, mayroon nang magko-comment du'n. Maximum PhP450,000. Ang pinakatawad na lang po is PhP350,000.

“Alam kong bawal, ite-take ko na lang 'yung risk,” dagdag pa niya.

Ang kidney o bato ang nagsasala ng dumi at sobrang fluid sa katawan.

Dalawa ang kidneys ng tao ngunit kayang mabuhay nito kahit isa lang.

Ayon kay Dr. Benita S. Padilla, head ng Human Organ Preservation Effort--NKTI, mayroong dalawang klase ng donor--ang living donor or deceased donor.

“Ang deacesed donor, 'yun 'yung mga brain dead. And living donor naman mga kamag-anak. Mayroon namang living non-related donor, 'yung hindi mo kadugo pero willing magbigay sa 'yo.

“Ang paraan kasi ng ospital ay magkaroon ng tinatawag na Hospital Transplant Ethics Committee. Dapat ma-catch nila 'yung mga hindi ethical na transplant o 'yung mga donor na nagbebenta,” paliwanag ni Dr. Padilla.

Kidneys for sale

Ayon din sa mga eksperto, may panganib na dala sa isang tao kung iisang kidney na lamang mayroon ang mga ito.

“Pangangalakal ng mga organs, kidneys, ay talagang ipinagbabawal sa ating batas. Maaari pong maparusahan ng hanggang 20 years kapag kayo ay nahuli,” pahayag naman ni Atty. Yvette T. Coronel, Deputy Executive Director ng Inter-Agency Council Against Trafficking.

Dagdag pa niya, “Mayroong mga nakikitang medical reasons. Kapag isa na lang 'yung kidney mo, may repercussions in terms of health.”

Bigyang-pansin ang lumalaganap na naturang bentahang at panoorin ang espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho:

KMJS: Pagpapaturok ng gluta, healthy o deadly?

KMJS: Sagradong bato, sikreto ng mga sentenaryo ng tribo Blaan?