
Gamot para sa atay ang glutathione at karagdagan din itong treatment pera sa chemotherapy. Bilang side effect, nakapagpapaputi ito ng balat. Mayroong ginagamitan ng suwero at mayroon ding ini-inject.
Kamakailan ay isang babae ang umano'y binawian ng buhay matapos magpa-inject ng glutathione sa isang spa clinic sa Sampaloc, Manila. Kinilala ang biktimang si Shiryl Gee Distor, 33, at resident ng 1091 Crisostomo Street, Sampaloc, Manila.
Gaya ng karamihang Pinay, mahilig din siyang magpaputi. Sumubok si Shiryl ng iba't ibang paraan ng pagpapaputi gaya ng paggamit ng sabon, pills, at mga natural na pampapapusyaw ng balat hanggang sa maenganyo siyang magpaturok ng gluta.
Walong oras makaraang magpaturok ng gluta sa ikawala niyang session, binawian ng buhay si Shiryl.
Naulila niya ang kanyang asawang si Joseph Distor at apat na anak kabilang ang bunsong kambal.
Pero ano nga ba ang tunay na rason ng pagkasawi ng biktima? Alamin ito sa eksklusibong pagtatampok ng Kapuso Mo, Jessica Soho:
KMJS: Dating apps, ligtas bang gamitin?
KMJS: Sanggol sa Negros Occidental, kinagat ng aswang?
KMJS: Dahil sa paghihinagpis, lalaki lumuluha ng dugo?