GMA Logo KMJS feature
What's Hot

KMJS: Biyudang lola, ginayuma nga ba ang isang binata?

By Bianca Geli
Published April 30, 2026 10:38 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA Scores today: Lakers vs Rockets, Pistons vs Magic, Cavaliers vs Raptors
Non-structural fires in Davao City more than doubled in Q1 of 2026
Sean Lucas enjoys Paris adventure

Article Inside Page


Showbiz News

KMJS feature


Paano nagsimula ang pagmamahalan ng isang biyudang 64-anyos at 28-anyos na binata?

Tampok sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang kwento ng isang 64-anyos na biyuda na hindi inakalang muling titibok ang kanyang puso para sa isang lalaking 28-anyos lang. Hinala tuloy ng iba, ang lalaki raw ay ginayuma?

Katulad ng ibang mga mag-nobyo, nagbabakasyon sa may dagat, kumakain sa labas, at nagpupunta sa mall, ngunit ang kanilang malaking agwat sa edad ay naging ugat ng tsismis.

Simula nang mabyuda si Connie Roxas noong 2023, ang kaniyang naging pampalipas-oras ay ang pagti-TikTok. Dito niya nakilala ang 28-anyos na si Reynald Grajo.

Dahil sa pagkabigo sa pag-ibig, gusto raw ni Reynald ng mas nakatatandang babae na marami nang karanasan sa buhay. Nagkaroon na raw siya ng mga nobya na 40-anyos, 51-anyos, at 67-anyos bago niya makilala si Connie.

Kahit tutol ang mga anak ni Connie, napamahal na raw siya kay Reynald na pati ang kanyang mga maintenance na gamot para sa diabetes ay tinutulungan siya sa pagbili. Ani Reynald, "Hindi ako nahihirapan sa paggastos sa kanya kasi kasama sa buhay 'yun eh."

Kwento naman ni Connie, "Yung asawa ko kasi before siya namatay, sabi niya, 'Hinding-hindi kita iiwanan.' Parang coincidence naman na nakilala ko siya [Reynald] tapos magkaugali sila [ng yumaong asawa ko]."

Ang kanilang love story, panoorin sa Kapuso Mo, Jessica Soho: