What's Hot

'KMJS': Engkanto o kuwento-kuwento?

By Bianca Geli
Published April 23, 2019 6:16 PM PHT
Updated April 23, 2019 6:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Nakakatanggap daw ng misteryosong mga resibo at mga package ang ilang residente ng isang barangay sa Misamis Occidental. Usap-usapan sa barangay na pagmamay-ari raw ito ng isang engkanto.

Nakakatanggap daw ng misteryosong mga resibo at mga package ang ilang residente ng isang barangay sa Misamis Occidental.

Isa na rito si Shirley, na nakatanggap ng electric bill na umabot ng tumatagingting na P91,000. Malabo raw na sa kanila talaga ang bill na ito dahil kadalasang nasa P2000 lang ang kanilang binabayaran kada buwan.

Lalo raw napaisip si Shirley nang makita niyang naka-pangalan sa ibang tao ang kaniyang bill ngunit ka-apelyido niya ito.

Ayon kay Shirley, “Nagtaka po kami kung bakit binigyan kami ng ganun na bill na merong pangalan na Maria Prieto kasi sa poste po namin, wala namang Maria Prieto na account.”

Posible mang nagkaroon ng simpleng pagkakapalit ng mga electric bill ay 'di maiwasan ng mga residente sa kanilang barangay na mag-hinala na pagmamay-ari ito ng isang engkanto.

Ang mga residente naman ng Oroquieta City sa Misamis Occidental, nakatanggap daw ng mga misteryosong package na diumano'y galing sa engkanto.

Panoorin ang buong kuwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho:

'KMJS:' Ang Super Man(gyan) na ama sa Oriental Mindoro

'KMJS:' Magkamukha o magkapatid?