
Nagulat si John Marc nang makatanggap siya online ng litrato ng isang babae na kamukhang kamukha niya.
Isang audience member daw ng Wowowin ang may pagkakahawig kay John Marc.
Hinanap daw ni John Marc ang Wowowin episode na ipinakita sa audience ang nasabing babae. Kuwento ni John Marc sa Kapuso Mo, Jessica Soho, “Nagulat po talaga ako kasi pati pag kilos niya parehas po talaga kami.”
Mula kilay, ngiti, hanggang hugis ng mukha, tila babaeng version ni John Marc ang nakita niya.
Napaisip tuloy si John Marc, kung ito ba ang kaniyang nawawalang kapatid. Aminado kasi si John Marc na isa siyang ampon.
Mula nang malaman ni John Marc na isa siyang ampon, sinimulan niya nang hanapin ang tunay niyang pamilya.
“Feeling ko mahaba-haba pa ang lalakbayin ko bago ko sila makita 'eh."
Ang babae naman sa litrato na si Trixie ay naghahanap naman ng kaniyang tunay na ama.
Magkapatid kaya sina John Marc at Trixie?
'KMJS:' Ang killer bees ng Caloocan City
KMJS: White Lady, nakuhanan ng video sa isang graduation ceremony?
KMJS: Banana cake para kay Baby Aki