GMA Logo kapuso mo jessica soho
What's Hot

KMJS: Glow up is real para sa 'First Yaya' actor na ito!

By Dianara Alegre
Published April 28, 2021 11:57 AM PHT
Updated April 28, 2021 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

kapuso mo jessica soho


Kilalanin ang tinaguriang ka-look alike ng South Korean actor na si Park Seo-joon sa episode na ito ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'

Marami sa mga Pinoy ang kinarir ang self-improvement simula nang ipatupad ang community quarantine sa bansa noong nakaraang taon.

Isa na rito si Ralmon Mendoza, na hindi lang simpleng "level up" ang naging glow up dahil ang peg niya ang ang kanyang idolong Korean superstar na si Park Seo-joon.

Ralmon Mendoza at Park Seo joon

Sources: ralmon.mndz (Instagram), bn_sj2013 (Instagram)

“Naalala ko elementary ang tawag sa 'kin 'pugo' tapos napaitim ko pa.

"'Tapos nung highschool naman tawag sakin 'bungi',” kwento ni Ralmon nang makapanayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Kaya naman pagdating ng kolehiyo ay nagdesisyon si Ralmon na gawing priority ang kanyang hitsura.

“Lagi may pulbos sa bag, may suklay. Na-achieve ko 'yung look ko ngayon kasi gumamit ako ng mga toner, papaya soap. Nakatulong din talaga 'yung paggi-gym talaga,” aniya pa.

Kung dati ay tinutukso-tukso lamang siya, marami na raw ngayong natutukso sa kanyang looks.

“'Pag naka-mask akala nila Korean pero 'pag tinanggal ko naman yung mask hindi naman,” aniya.

Ralmon Mendoza

Aniya, marami na raw ang nakapansin sa pagkakahawig nila ng Korean actor.

“May similarity na 'yung angle namin magkamukha talaga kami tulad nung side view.

"'Tapos minsan 'yung serious face naming dalawa,” sabi pa niya.

“Ginagaya ko si Park Seo-joon sa hairstyle. 'Yung hitsura ko walang retoke kumbaga sobrang natural swerte lang talaga sa magulang,” aniya pa.

Ang mala-Korean look ni Ralmon ay nagamit din niya sa pag-aartista.

Siya ay kasalukuyang bahagi hit primetime series na First Yaya bilang isa sa mga miyembro ng presidential security group ni President Glen Acosta, na ginagampanan ni Kapuso actor Gabby Concepcion.

Pero kahit na naging puhunan din niya ang kanyang hitsura sa kanyang trabaho, giit niya, “Ang mahalaga 'yung masipag ka, may tiyaga.

"Kasi, kung wala kang tiyaga sa buhay mo wala kang makukuhang opportunity.”

Ralmon Mendoza

Kilalanin ang umano'y Park Seo-joon counterpart ng Pilipinas na si Ralmon Mendoza sa espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho:

Samantala, tingnan ang local celebrities at ang kahawig nilang Korean stars:

Related content:

KMJS: Pinay na parang Koreana ang ganda, viral!