
Viral online ang Pinay na si Cher Asentista o kilala rin sa pangalan na Choi Yuri dahil sa ganda nitong pang-Korean drama.
Gaya ng ibang mga Pilpino, isa rin si Cher sa mga nahuhumaling sa Korean wave, mula sa hitsura, choice of entertainment at mga iniidolo.
Source: Cher Asentista Calpo (FB)
“EXO, BTS, I'm a fan. Ang pi-fresh nila. Alagang-alaga nila 'yung sarili nila from head to toe,” aniya sa mga iniidolo niyang K-pop idols, nang makapanayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Dahil dito, nagdesisyon siyang maging kamukha ang ilang Korean superstar.
Upang ma-achieve and dream look niya, kinailangan niyang sumailalim sa rhinoplasty o nose lift na nagkakahalaga ng P90,000. Nagpa-breast enhancement din siya sa halagang P180,000.
Model si Cher at aniya, simula nang i-improve niya ang sarili ay mas dumoble ang modelling engagements niya.
Dahil dito ay nakabili siya ng condo unit, nakapagpundar ng tatlong sasakyan, nag-franchise ng sariling milk tea shop at nakapagpatayo na rin ng sariling bahay.
Samantala, bukod sa paggaya sa fashion style, hitsura, at paggamit ng beauty products ay 'tila pati tipo sa lalaki ni Cher ay naimpluwensiyahan na rin ng Korean culture dahil lahat ng kanyang mga naging boyfriend ay mga Korean.
“Alam nila na nagparetoke ako. Mamahalin ba nila ako kung wala pang retoke? Hindi ko rin masabi.
“Naghiwalay kami ng first ex-boyfriend ko kasi parang isip bata pa siya.
“Second ex ko is two years kami nagtagal. Bumalik kasi siya sa Korea. Agad-agad mayroon na siyang new girlfriend. Nagka-problem din sa work and kailangan niya lumipat sa China.
“Long-distance rin. Puro away na rin. Hindi ko rin talaga gusto na Korean lang. Parang dumadating lang na ganun,” kuwento ni Cher.
Panoorin ang kuwento ni Cher sa espesyal na pagtatampok na ito ng Kapuso Mo, Jessica Soho:
KMJS: Viral na pagkikita nina Richelle at Joebert, mala-Koreanovela