What's Hot

'KMJS': Hair goals na naging disaster!

By Bianca Geli
Published August 22, 2019 3:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AZ Martinez, Vince Maristela bring joy, Christmas gifts to young cancer patients
Isa ka hinuptanan nga karabaw, nasapwan nga nakabitay sa Ibajay, Aklan | One Western Visayas
Sparkle artists, bibida sa GMA Radio 'Higanteng Pasasalamat' event

Article Inside Page


Showbiz News

Screenshot of Kapuso Mo Jessica Soho Hair disasters


Hot Comb Alopecia ang inabot ng paulit-ulit na pagpapa-rebond ni Brenda. Alamin ang detalye ng kanyang kondisyon sa episode na ito ng KMJS:

Karamihan sa atin, banidoso sa buhok dahil tinuturing itong crowning glory.

Pero ano kaya ang puwedeng mangyari kapag ang hair goals, naging hair disaster?

Tulad na lang ni Brenda na nakalbo ang parte ng ulo matapos ang paulit-ulit na pagpapa-rebond.

Kuwento ni Brenda, “May napuntahan po akong salon, mura lang po kasi sa kanila 'tsaka may color na rin po sa kanila 'yung rebond.”

Inabot ng labing tatlong oras ang pagpapagawa sa buhok ni Bernadette. Matapos ang ilang araw, naging damaged ang buhok ni Brenda, at malaking parte pa ng kaniyang ulo ang nakalbo.

Unti-unting nalagas ang buhok ni Brenda hanggang sa magka-poknat pa. Pati na rin ang kaniyang kilay, nalagas.

“Sabi ko, 'Bakit ganito 'yung ginawa nila sa akin?'

“Gusto ko po talaga magtrabaho pero hindi po ako makapagtrabaho gawa ng buhok ko,” mangiyak-ngiyak niyang pahayag.

Nagsara na raw ang parlor kung saan nagpa-rebond si Brenda at hindi niya na mahanap ang may-ari.

Nang ipinasuri si Brenda ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa isang dermatologist, napag-alaman ang kanyang kondisyon.

“Si Brenda kasi may history na nagpa-rebond ng tatlong beses tapos sa isang linggo lang 'yung pagitan, so masyadong matapang 'yun na makaka-damage sa hair follicle.

“Kaming mga dermatologists nire-recommend namin na 3-6 months ang pagitan between hair treatments.”

Hot Comb Alopecia dahil sa traumatic hair treatment raw ang nangyari kay Brenda.

Si Mary-Ann naman, nawili sa pagpapapalit palit ng hair color hanggang sa masira ang kaniyang buhok. At si Joshua naman, first time magpa-relax ng kaniyang kulot na buhok ngunit nauwi rin sa pagkasira ng kaniyang anit.

Ano kaya ang mga hair disaster nila? Alamin sa KMJS: