GMA Logo Ms Everything Camata at Oliver Thomson
What's Hot

KMJS: "Ms. Everything," natagpuan na ang kanyang "Everything"

By Dianara Alegre
Published December 1, 2020 3:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Ms Everything Camata at Oliver Thomson


Kilalanin ang lalaking nagpatibok ng puso ni internet sensation Ericka “Ms. Everything” Camata.

Kamakailan ay muling nag-viral ang internet sensation na si Ericka Camata o mas kilala bilang si Ms. Everything dahil sa kanyang bonggang “transformation” photoshoot at kanyang rebelasyon tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

Nang makapanayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), ibinahagi ni Ericka na nakilala niya ang lalaking nagpapatibok ngayon ng kanyang puso sa online game na Mobile Legends.

Aniya, nakaranas siya ng depresyon sa gitna ng pandemya at ang paglalaro nito ang isa sa mga naging outlet niya para libangin ang sarili.

Dahil hindi pa naman siya ganoon kagaling sa pagmo-Mobile Legends, “nagpabuhat” o nagpatulong daw siya sa isang gamer na nakilala niya sa isang group chat, ang 23-anyos at tubong Parañaque na si Oliver Thomson.

Ericka Ms Everything Camata at Oliver Thomson

Sa araw-araw na paglalaro ay nabuo rin daw ang samahan ng dalawa hanggang sa tuluyan nang ma-in love sa isa't isa.

“Araw-araw kami nag-uusap through video calls,” kuwento ni Oliver.

“Du'n na nag-start na parang kulang 'yung araw kung hindi ko siya kausap. Sobrang nahu-hook ako sa mga ano niya patawa,” dagdag pa niya.

Inamin ni Ericka na si Oliver ang kanyang unang boyfriend.

Matapos ang tatlong buwang long-distance relationship ay nagdesisyon na silang magkita pagluwas ni Ericka ng Maynila mula Calbayog, Samar.

Noong una ay nahiya pa raw si Ericka kay Oliver.

“'Di pa ako confident na ipakita sa kanya kasi nahihiya ako. Maganda ba ako? Baka 'di niya ako magustuhan,” sabi ni Ericka.

Hindi naman nagtagal ay naging kumportable na rin sila sa isa't isa.

“Nakakakaba nu'ng una kasi hindi ko alam ia-approach kasi mas sanay kami na videocall. Pero nu'ng nagkita kami naging komportable kami sa isa't isa,” kuwento ni Oliver

Tunghayan ang love story nina Ericka at Oliver sa espesyal na pagtatampok ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Silipin ang “transformation” photoshoot ni Ms. Everything: