GMA Logo Kapuso Mo, Jessica Soho
What's Hot

KMJS: Pagpaparetoke ng ilong, afford na ba ng maraming Pinoy ngayon?

By Jimboy Napoles
Published February 10, 2022 7:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Wizards have rare showing on defense in win over Pacers
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso Mo, Jessica Soho


Nagkaroon na raw ng shortage sa implants at fillers dahil sa rami ng mga nagpapagawa ng ilong.

Kung dati ay ikinahihiya ang pagiging retokado o retokada, ngayon ay maraming Pinoy na sa social media ang proud na ipine-flex ang kanilang bagong gawang ilong.

Sa report ng Kapuso Mo, Jessica Soho, tumataas na ang bilang ng mga Pinoy na hindi na dumadaan sa pagpaparetoke, karamihan sa kanilang ipinapagawa ay "rhinoplasty" o pagpapatangos ng ilong.

Kabilang na rito ang vlogger na si Mika Salamanca na kamakailan lang ay ibinahagi sa social media ang kanyang pagpaparetoke. Pero kuwento niya sa KMJS, marami raw ang hindi nagustuhan ang resulta nito.

Aniya, "Before pa naman po ako magpagawa ini-insist na ng ibang tao na nagparetoke daw po ako pero hindi pa po, tapos ngayon po na nagparetoke na ako, bina-bash pa rin po nila ako so wala po talaga tayong ligtas sa mga basher."

Pero ginawa naman daw ito ng vlogger para sa kanyang sarili kaya't hindi siya nagpapaapekto sa mga negatibong kumento tungkol sa kanyang ilong.

"Ginawa ko naman po ito para sa akin, kaya kahit ano pong sabihin nila as long as masaya 'yung nasa harap ng salamin, okay po ako doon," ani Mika.

Bukod kay Mika, marami pang mga Pinoy ang hayagang ipinapakita ang kanilang pagpapagawa ng ilong.

Ayon sa panayam ng KMJS sa ilang mga eksperto, bukod sa pagiging pango, malaki ang nagagawa ng pandemya kung bakit parami nang parami ang bilang ng mga Pilipino na nagpaparetoke ngayon.

Para sa buong detalye, panoorin ang feature story na ito ng KMJS sa video na ITO:

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang listahan ng mga celebrities na aminadong nagparetoke.