
Sino kaya ang ikapitong cast member na makakasama sa shoot ng Running Man Philippines season two sa South Korea?
Marami na ang nanghuhula kung sino ba ang kukumpleto sa cast na makikipagtagisan ng galing, talino, at diskarte kina Mikael Daez, Glaiza De Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Kokoy de Santos, at Angel Guardian.
Naunang kinumpirma ng Runners sa guesting nila sa All-Out Sundays nitong January 7 na hindi makakasama si Primetime Action Hero Ruru Madrid. Pero, dapat pa rin asahan ang Sparkle hunk, dahil may special participation ito sa season two.
Samantala, nakapanayam ng GMANetwork.com sina Glaiza, Kokoy, at Angel sa GMA Network Center ngayong araw (January 11), matapos ang guesting nila ng Fast Talk with Boy Abunda.
Dito nagbigay sila ng mensahe para sa newest Runner. Payo ni Koy sa kaniya na dapat magpakatotoo lang siya, “Siguro wala namang pressure pero siyempre. Para hindi ka lang ma-pressure, siyempre baka naiisip niya may samahan na tayo, magpakatotoo lang 'yun lang naman 'yun. Kasi, kami kilala namin isa't isa.”
“Para lang din siya maging komportable sa atin, aware lang.”
Sinegundahan naman ito ng Ultimate Runner na si Angel na sinabing, “Iwe-welcome ka namin. Huwag siya kabahan mababait naman kami.”
GOING AROUND SOUTH KOREA WITH THE PINOY RUNNERS
Dahil tutulak na sila papuntang South Korea next week, malaking bagay ayon sa Sparkle primetime actress na si Glaiza na naka-bonding niya ang kaniyang pamilya noong holidays, dahil matagal-tagal din sila mananatili sa Korea.
Lahad ng magaling na aktres, “Masaya ako na nasulit ko 'yung time nung holidays. Kasi, halos kumpleto kami nun. Ano na lang short reunion na lang.”