What's on TV

Kokoy de Santos, dine-dedicate sa mga breadwinner ang latest 'Magpakailanman' episode

By Marah Ruiz
Published October 10, 2026 1:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PVL: Choco Mucho stuns star-studded Capital1 in Cebu showdown 
The Young Achievers Podcast: Missy Macuja Elizalde steps out of the shadow and into the ring
Farm to Table: Food adventure and kulitan with Matt Lozano and John Feir!

Article Inside Page


Showbiz News

Kokoy de Santos


Gustong i-dedicate ni Kokoy de Santos ang pagbibidahang 'Magpakailanman' episode para sa mga breadwinner.

Mapapanood ang Kapuso stars na sina Kokoy de Santos at Jay Ortega sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Pinamagatang "Pasan Ko, Kapatid Ko," iikot ang kuwento nito sa isang taong lubos na nagsusumikap para sa kanyang pamilya sa kabila ng pagkukulang ng mga ito.

Source: mpkgma

"Ang role ko dito ay sumunod na kapatid ako ni Kokoy--siya 'yung panganay dito, siya 'yung nagtataguyod sa buong pamilya. May ilan sa pamilya namin na pabigat so 'yun 'yung aabangan n'yo. Nakakaiyak at marami kayong matututunan dito," pahayag ni Jay.

Napapanahon naman ang paksa ng episode kaya marami daw makaka-relate dito, ayon kay Kokoy.

"Para sa inyo 'to, sa mga kaibigan ko. Sa lahat ng manonood na breadwinner, para inyo 'to," lahad ng aktor.

Abangan ang brand-new episode na "Pasan Ko, Kapatid Ko," October 11, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.

Panoorin din ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.