GMA Logo Kokoy De Santos
What's on TV

Kokoy De Santos, inakalang hindi na makikita ang ama nang ma-hijack ang barkong pinapasukan nito

By Jimboy Napoles
Published March 24, 2023 6:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mayon Volcano logs 'minor' fountain activity as eruption enters 89th day
Get tested for free: why you must visit these diabetes screening hubs this April
Daig Kayo Ng Lola Ko: Children Adventure Stories (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Kokoy De Santos


Binalikan ni Kokoy De Santos ang isa sa mga matinding pagsubok na hinarap ng kanilang pamilya nang ma-hijack ang barkong pinagtatrabahuhan ng kaniyang ama noon.

Dahil sa kawalan ng komunikasyon, inakala ng aktor na si Kokoy De Santos at ng kaniyang pamilya na hindi na nila makikita ang kaniyang ama nang ma-hijack ang pinagtatrabahuhan nitong barko noon.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, binalikan ni Kokoy ang naturang insidente kung saan na-hostage ang kanilang ama at ilang linggo nila itong hindi ma-contact.

Kuwento ng aktor sa TV host na si Boy Abunda, “Grabe 'yun Tito Boy kasi ang communication namin no'n email lang wala pang chat chat.

“Parang dalawang linggo nang walang paramdam si erpats so 'yung ermats ko na may sakit sa puso, nagpa-panic na.

“Kami naman nung utol ko, punta kami sa computer shop since wala naman kaming computer sa bahay e, check check kami ng email [pero] wala talaga.”

Nalaman na lamang ni Kokoy sa isang page online na may isang barko na na-hijack at ito ang barkong pinapasukan ng kaniyang ama.

Aniya, “Tapos nalaman ng ate ko sa isang Facebook group na na-hijack 'yung barko [na pinagtatrabahuhan] ng erpats ko, pero kahit nalaman namin wala pa rin kaming communication as in ilang linggo.”

Ngunit kahit pa nalaman nila ito ay hindi pa rin nila nakausap ang ama dahil wala ring maibigay na ibang paraan ang kumpanya nito.

“Wala na Tito Boy, hindi na namin ma-contact e. So kami parang hoping pero anong gagawin namin e, pati 'yung kumpanya niya ayaw makipag-cooperate sa amin, wala rin daw silang masagap na [balita] sa barko e,” ani Kokoy.

Masayang-masaya naman sina Kokoy nang malamang ligtas ang kaniyang ama at nawala na rin ang kanilang pangamba lalo na't may sakit din sa puso ang kaniyang ina.

“Para [kaming] nabunutan ng sandamakmak na tinik sa dibdib lalo na 'yung ermats ko. Bukod sa iniisip namin 'yung erpats ko siyempre iniisip din namin 'yung ermats ko kung anong mangyari sa [kaniya] mamaya atakihin na lang bigla. May ganung feeling Tito Boy,” anang aktor.

Ayon kay Kokoy, ang insidenteng ito rin ang dahilan kung bakit siya nagsisipag sa trabaho dahil nais niyang pahintuin na sa pagsampa sa barko ang kaniyang ama at makapagretiro na rin kasama ng kaniyang ina.

“Kaya ko rin mas lalong pinu-push [ang trabaho] kasi kung ako ang tatanungin ayoko na [sumampa siya ng barko] kasi 'yung ermats ko tumatanda na rin e… parang mas matagal na hindi niya kasama 'yung erpats ko,” pagbabahagi ni Kokoy.

Samantala, mapapanood naman si Kokoy sa GMA Primetime series na The Write One at sa longest-running comedy gag show sa bansa na Bubble Gang.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

MAS KILALANIN SI KOKOY DE SANTOS SA GALLERY NA ITO: