
Nilaglag ni Kokoy de Santos ang kaibigan niyang si Raheel Bhyria tungkol sa pagsali ni Jillian Ward sa pinagbibidahan nilang GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles
Sa panayam nina Kokoy at Raheel sa Fast Talk with Boy Abunda--kasama sina Miguel Tanfelix, Bruce Roeland, at Anton Vinzon--nabanggit ng una na nagbago ang pakikitungo sa kanila ni Raheel simula nang pumasok si Jillian sa Mga Batang Riles.
Kuwento ni Kokoy, "Bago pumasok si Jillian sa Mga Batang Riles, grabe 'yung bonding namin, e, as in sama-sama kami. Action, after ng fight scene, hindi mo mapaghiwalay."
"Dumating si Jillian, echapwera kami. Meron kaming [eksena], grabe pagod na pagod kami, kailangan namin 'yung isa't isa kasi ano siya, e, training, talagang nakakapagod.
"Nung time na 'yun, okay lang, binibigyan namin siya ng time. Nung time na nag-packup na si Jillian, nagba-bye siya, 'tapos biglang lumapit sa amin, 'Boy, na-miss ko kayo, ah."
Paliwanag naman ni Raheel, ni-welcome niya lang si Jillian sa Mga Batang Riles katulad ng pagtanggap nito sa kanya noon sa Abot-Kamay Na Pangarap.
Paliwanag niya, "Hindi ko kayo ini-echapwera, sadyang ano kasi siya, bisita natin. Hospitality, kailangan natin iparamdam sa kanya, para komportable po siya at safe po siya.
"Hindi po ako nanliligaw pero ang ginawa ko po is, bilang respeto po kay Jillian bilang tinanggap niya po ako nang maganda at maayos sa Abot-Kamay Na Pangarap, gusto ko rin po i-return 'yung favor."
Tutukan ang pinakamatinding barkadagulan sa huling linggo ng Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood din ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.