GMA Logo Kokoy De Santos
What's on TV

Kokoy De Santos, niloko na pero hinabol pa rin ang nag-cheat na ex-GF: 'Sayang, mahal ko e'

By Jimboy Napoles
Published March 25, 2023 10:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Kokoy De Santos


Kokoy De Santos sa ginawang paghahabol sa nag-cheat na ex-girlfriend: “B*b* sa pagmamahal e.”

Inamin ni Kokoy De Santos sa Fast Talk with Boy Abunda na minsan siyang niloko pero nagawa pa ring habulin ang kaniyang ex-girlfriend dahil sa labis niyang pagmamahal dito.

Sa panayam kay Kokoy ng TV host na si Boy Abunda, pinag-usapan nila ang karanasan na ito kung saan tila lumihis sa kaniyang direksyon ang aktor ng dahil sa pag-ibig.

“Correct me if I'm wrong may point ba sa buhay mo na halos nawala ka sa landas sa direksyon nang dahil sa pag-ibig. Tama ba ako?” tanong ni Boy.

Game naman itong sinagot ni Kokoy, “Tama kayo Tito Boy.

“Ito 'yung mga panahon Tito Boy na natigil din ako [sa pag-aartista]. Bata pa lang ako gusto ko na 'yung ginagawa ko na pag-arte sa harap ng camera, pagpe-perform ganiyan, pero may isang point sa buhay ko na nawala ako.

Ayon kay Kokoy, dahil sa unang beses niya ang talagang ma-in love ay naging sentro ng kaniyang mundo ang relasyon niya sa dating nobya, hanggang sa nalaman niyang niloloko pala siya nito.

Aniya, “Since first time ko rin sigurong na-in love parang binuhos ko lahat, pinaikot ko doon 'yung mundo ko, pero eventually, siguro ilang years din kami, nalaman ko kasi na nag-cheat.”

Kuwento pa ni Kokoy, nagawa niya pang tumanggi noon sa mga proyekto par lamang sa kaniyang dating kasintahan.

“Parang binagsakan ako ng mundo, na parang lahat binigay ko rito, lahat tinalikuran ko, umabot ako sa point na tumatanggi ako sa mga project na dati ako ang naghahabol,” saad ng aktor.

Pero kahit pa niloko na siya, naghabol pa raw noon si Kokoy sa nag-cheat niya na ex-girlfriend.

“Naghabol pa ako Tito Boy…twice. Parang pinush ko pa rin kasi sayang e, mahal ko e, at saka b*b* sa pagmamahal e,” pag-amin pa ni Kokoy.

Natauhan lamang umano ang aktor nang mapagod na siya at nang maapektuhan na rin ang kaniyang pamilya.

Sabi ni Kokoy, “Pero noong sabi ko napapagod na ako, doon ako [nagdesisyon] na ayoko na, masyado na pati pamilya ko na parang ayan na naman natatalikuran ko, pati 'yung trabaho ko, lahat ng nagpapasaya sa akin.

“So 'yun 'yung nagpa-realize sa akin na parang tama na. Kinaya ko 'yun dahil din sa pamilya ko kasi sila 'yung [tumulong] sa akin.”

Samantala, mapapanood naman si Kokoy sa GMA Primetime series na The Write One at sa longest-running comedy gag show sa bansa na Bubble Gang.

Para naman sa iba pang maiinit na showbiz balita, tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda, Lunes hanggang Biyernes, 4:45 p.m. sa loob ng 20 minuto sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.

MAS KILALANIN SI KOKOY DE SANTOS SA GALLERY NA ITO: