
Abot-tenga ang ngiti ni Kokoy de Santos matapos mapanood ang pelikulang Topakk sa premiere night nito kagabi, December 19.
Si Kokoy ay isa sa mga pangunahing aktor sa action film na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong 2024. Pinagbibidahan ito nina Arjo Atayde at Julia Montes.
Sa maiksing panayam ng GMANetwork.com, sinabi ni Kokoy, “Ang saya! Ngayon na lang talaga ako ulit nakapanood ng legit na action movie na gawang Pinoy at mapasama pa rito. Ang sarap sa feeling, siyempre, kasi isang entry ito sa Metro Manila Film Fest. Ang saya, quality!”
Bukod sa Topakk, bahagi rin si Kokoy ng isa pang MMFF entry, ang And the Breadwinner Is…
Dahil dito, labis ang tuwa ng Kapuso actor. Aniya, “Nagkataon, sobrang bait ni Lord sa akin. Sobrang bliness tayo ngayong taon. Yun, hindi ko pa napapanood, pero excited din ako. Sobrang magkaiba kasi, ito action, yun naman drama and comedy. Ang saya!”
Sa huli, tinanong ng GMANetwork.com kung ano ang maituturing niyang highlight ng kanyang 2024.
Nakangiting sagot ni Kokoy, “Ito, 'yung iniisip ko kung ano 'yung sasakyan kong float. Wow! Akalain mo 'yun?! Isa lang pwede na, pero dalawa!”
Sigurado raw na dadalo ang aktor sa gaganaping “MMFF Parade of Stars,” na gaganapin bukas, December 21, sa Manila.
Pagkatapos ng MMFF, abangan si Kokoy sa bagong action-drama series na Mga Batang Riles sa GMA Prime.
Samantala, narito ang ilan pang Kapuso stars na dapat abangan sa MMFF: