
Bumisita ang Sparkle actor na si Kokoy De Santos sa It's Showtime nitong Miyerkules (July 23) at kabilang siya sa “Board Members” ng segment na “Breaking Muse.”
Sa pagbisita ni Kokoy sa naturang noontime variety show, tila nagkaroon ng reunion dahil present din ng araw na iyon ang host na si Jhong Hilario at Kapamilya star Maris Racal, na mga nakasama ng una sa pelikulang And The Breadwinner Is na pinagbidahan ni Vice Ganda.
Nagkaroon naman ng pabirong talakan sa pagitan nina Kokoy at Maris, na gumanap bilang magkapatid na sina Buneng at Boy sa nasabing pelikula.
“It's not Buneng, it's Bruneng,” ani Maris.
Hirit naman ni Kokoy, “Tumigil ka na Buneng! Ang dami mong sinasabi!”
Kinumusta naman ni Jhong si Kokoy at tinanong kung ano ang pinagkakaabalahan nito sa ngayon.
Sagot ng aktor, “Bukod sa Bubble Gang, family, more time sa family kasi kakatapos lang ng Mga Batang Riles.”
Kabilang din sa “Board Members” ang Cruz vs. Cruz star na si Gladys Reyes, na isa rin sa cast ng And The Breadwinner Is. Dahil dito, napansin ng hosts na malapit na makumpleto ang cast ng nasabing pelikula at ang Unkabogable Star na lang ang kulang. "'Yung Ate natin naglalaro sa ulan," hirit ni Jhong.
Dagdag ni Maris, "Kulang nalang si Ate Bambi para mabuo na 'yung cast."
"Kaya nga, na-miss natin. Sis, asan ka ba? Kakatampisaw mo sa ulan 'yan e. Sis, ano ba? Nandito kami oh, buong pamilya mo, Salvador," ani Gladys.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.