GMA Logo One The Woman
What's Hot

Korean comedy series na 'One The Woman,' mapapanood na sa GMA

By Aimee Anoc
Published April 4, 2022 2:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lacson amenable to DOJ's request to take ex-DPWH exec Alcantara into custody 
Devotees from quake-struck Northern Cebu join Fiesta SeƱor
In Focus: Chavit Singson (Teaser pt. 2)

Article Inside Page


Showbiz News

One The Woman


Mapapanood na ngayong araw, April 4, 10:20 p.m. ang hit Korean comedy series na 'One The Woman' sa GMA.

Handa nang maghatid ng saya gabi-gabi sina Julie at Mina ng hit Korean comedy series na One The Woman.

Pinagbibidahan ang doppelganger comedy na ito nina Miss Universe 2007 3rd Runner-up Lee Ha-nee (Julie/Mina), VIP actor Lee Sang-yoon (Steve), Jin Seo-yeon (Vicky), at Lee Won-geun (Kevin).

Makikisaya rin sa seryeng ito sina Jeon Kuk-hwan (George), Song Won-seok (David), Na Young-hee (Helen), Jo Yeon-hee (Karen), Song Seung-ha (Evie), Kim Chang-wan (Philip), at Ye Soo-jun (Director Kim).

Magsisimula ang kuwento ng One The Woman sa pagdalo ng isang palabang prosecutor na si Julie sa art auction kung saan siya ay masasangkot sa isang aksidente.

Ano kaya ang mangyayari kung ang isang matinik na prosecutor ay magigising isang araw bilang api-apihang asawa mula sa mayamang pamilya?

Subaybayan ang One The Woman, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA.

Samantala, kilalanin ang cast ng One The Woman sa gallery na ito: