
Muling bibisita sa Pilipinas ang South Korean actor na si Kim Hyun-joong para sa upcoming concert nito na parte ng kanyang "The End of a Dream" world tour, na magaganap sa MetroTent Pasig ngayong April 28.
Bago haranahin ang kanyang Filipino fans, uupo sa isang interview ang Boys Over Flowers actor sa programang Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, April 27, kung saan ibabahagi niya ang ilan sa upcoming projects sa music at acting, maging ang kanyang buhay bilang isang asawa at ama.
Kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, muling babalikan ang notable role noon ng Hallyu star bilang Yoon Ji-hoo sa phenomenal series na Boys Over Flowers, at ang nostalgic OST ng seryeng ito na "Because I'm Stupid," na kinanta ni Hyun-joong kasama ang dati niyang boy band na SS501.
Si Kim Hyun-joong ay isang South Korean actor, singer, at songwriter. Nag-debut siya bilang miyembro ng boy band na SS501 noong 2005.
Naging break ni Hyun-joong sa acting ang Korean drama series na Boys Over Flowers na sumikat hindi lamang sa South Korea kung hindi maging sa iba pang bahagi ng Asya. Ilan pa sa tumatak na drama ng aktor ay ang Playful Kiss at Inspiring Generation.
Huwag palampasin ang guesting ni Kim Hyun-joong sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, April 27, 4:45 p.m. sa GMA.
MAS KILALANIN SI KIM HYUN-JOONG SA GALLERY NA ITO: