GMA Logo Branding in Seongsu
Photo credits: GMA Heart of Asia (Facebook)
What's Hot

Korean romance series na 'Branding in Seongsu,' mapapanood na sa GMA!

By Dianne Mariano
Published August 6, 2026 2:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lalaki, ‘rumesponde’ sa boses na galing sa TV! | GMA News Feed
Indian national shot dead in Bacolod City
Canva teams up with SB19 to turn A'TIN's passion into creativity

Article Inside Page


Showbiz News

Branding in Seongsu


Humanda nang kiligin sa Korean romance series na 'Branding in Seongsu' sa GMA ngayong Agosto.

Siguradong maghahatid ng kilig vibes sa mga manonood ang bagong handog ng GMA Heart of Asia ngayong Agosto!

Mapapanood na ang Korean romance series na Branding in Seongsu sa Kapuso network simula August 17.

Ang naturang serye ay pagbibidahan nina Kim Ji-eun bilang Nadya, Kim Ho-young bilang Joseph; Yang Hye-ji bilang Yumi, at Lomon bilang Edric.

Iikot ang kuwento ng Branding in Seongsu tungkol sa intern na si Edric at team leader na si Nadya, ang dalawang may magkaibang personalidad sa isang agency.

Nang dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari, magkakapalit ng katawan ang dalawa at haharapin ang buhay ng isa't isa.

Habang sila'y naghahanap ng paraan upang makabalik sa kanilang totoong buhay, magkakamabutihan at posible bang mauwi sa pag-iibigan sina Edric at Nadya?

Huwag palampasin ang Branding in Seongsu simula August 17, 5:10 p.m., sa GMA.