
Sa recent Instagram post ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino, ibinahagi niya ang kanyang health update, kung saan siya ay nagpasalamat sa lahat ng patuloy na nagdarasal para sa kanyang kalusugan.
Related content: A timeline of Kris Aquino's health scares
Dito rin idiniin ng actress-television host na wala siyang karelasyon ngayon.
“P.S. my sisters urged me to make my current status very CLEAR. I AM NOT IN A RELATIONSHIP, we no longer communicate, and my sons and I feel more PEACEFUL. No details because I value my privacy and respect his, and I chose to only give the FACTS that should be addressed,” bahagi ng caption ni Kris.
Nag-komento ng “Thank You” ang ex-boyfriend ni Kris na si Batangas Vice Governor Mark Leviste sa naturang post na ngayon ay burado na. Dito ay sumagot na si Kris sa kanyang dating nobyo.
“'Even the nicest, kindest people have their limits' - I refrained from calling you by name and I tried my best to stick to the facts. You know what you've done over and over again… you are so aware of what my sisters and I are going through but heck, anything to gain attention. From the very start, I asked you for privacy yet even that you felt impossible to give. I hated being the last to know. Then now it's a take 2 with kuya's dad,” sagot ni Kris.
Tila ang tinutukoy ni Kris ay ang ibinahaging larawan ni Mark online kasama ang ex-boyfriend ng aktres na si Phillip Salvador. Si Phillip ay ang ama ng panganay na anak ni Kris na si Josh.
Ang naturang litrato, na ngayon ay burado na sa Instagram, ay makikitang kasama ni Mark sina Phillip at Senator Robin Padilla. Ito ay kinunan sa 50th anniversary ng Pentecostal Missionary Church na naganap sa Capas, Tarlac noong Agosto.
Patuloy ni Kris, “We've had the bullying in all forms yet someone who got to personally know us had to post unwanted pictures 2X that inadvertently hurt my feelings because I knew attention at the expense of an innocent like Kuya is so evidently an exercise in showing that you can get away with everything. Not when [ang naaapakan ay ang dignidad naming mag-nanay].
"Be grateful people are reading a very cleansed version."
Ngayon ay burado na rin ang mga komento ni Kris sa Instagram.
Noong nakaraang buwan, matatandaan na ipinakita ng aktres at TV host ang screenshots ng kanyang mga mensahe kay Mark, kung saan hiniling niya na ihinto ang pakikipag-ugnayan sa kanya.
Kasalukuyang nasa United States si Kris at ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby para sa treatment ng kanyang autoimmune conditions.