
Sinagot ni Kris Aquino ang komento ng isa niyang tagahanga tungkol sa magiging plano sa kasal nila ni dating Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary Mel Sarmiento.
Ayon kay Kris, magiging pribado at hindi bongga ang kasal nila ni Mel. Iba rin daw sa inaasahang "grandest wedding entrance" ng lahat.
"I don't mean to be a spoiler nor disappoint you but our wedding is going to be tiny and super private. No entourage. No wedding planner. Totally not what you're expecting," sagot ni Kris.
Nauna nang sinabi ni Kris na hindi nila isasapubliko ang mga detalye ng kanilang kasal pero magbabahagi sila ng footages para sa kanilang mga tagasuporta.
Inanunsyo ni Kris ang engagement nila ni Mel noong Oktubre kung saan naghanda sila ng video para sa kanilang mga tagasuporta.
Noong August, ipinakilala ni Kris si Mel bilang ang kanyang "mystery man" na nagbigay ng mga bulaklak at nagtanggol sa kanya mula sa isang basher.
Samantala, tignan ang relationship timeline nina Kris Aquino at Mel Sarmiento sa gallery na ito: