Pinagsabihan ni Kris Aquino ang isang netizen na huwag nang makisawsaw sa Barretto controversy.
May pakisuap ang actress/TV host/celebrity influencer na si Kris Aquino na tigilan na ng mga tao ang pamilya Barretto, na dumadaan ngayon sa matinding pagsubok.
Sa comment section, makikita ang sinabi ni Instagram user na si @bie.lao na sana ay hindi matulad ang Aquino sisters sa mga nangyari sa Barrettos.
“I hope your sisters won't fight like the barretto wild crazy sisters!! Lol!!”
Agad na sumagot si Kris at ipinaalala na nagdadalamhati pa rin ang buong pamilya sa pagpanaw ng kanilang haligi ng tahanan na si Miguel Alvir Barretto.
Wika ni Kris, “You know that they are grieving, right? And there's no need for us to add to their pain?
embed photo: Kris
Nakatrabaho ni Kris Aquino ang nakababatang Barretto na si Claudine sa pelikulang Etiquette for Mistresses (2015).
Samantala, naging co-star ni Kris ang panganay na anak nina Marjorie at Dennis Padilla, si Julia Barretto, sa pelikulang I Love You Hater (2018).