
Matapos ang much-awaited TV comeback ni Kris Aquino sa Shopee 8.8 Mega Flash Sale TV Special sa GMA-7, nag-post ang actress-Tv host sa Instagam ng isang touching message para kay Wowowin host Willie Revillame.
Marami ang natuwa sa nakakakilig na kulitan nila ni Willie sa nasabing TV special. May sandali pa nga sa programa na pinunasan pa ni Kris ang pawis mula sa mukha ni Willie.
At ilang ulit ding biniro ni Kris si Willie na kung saan sinabi niyang ang Wowowin host daw ang gusto ng kaniyang mga anak na sina Joshua at Bimby.
Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Kris na biruan lamang ang lahat pero totoong lubos ang pasasalamat niya kay Willie.
Ani Kris, “Sorry, i'm just being naughty, sinabi ko naman kasing wag akong seryosohin- pero obvious naman na kinilig… but in all sincerity, straight from my heart THANK YOU Willie- for your generosity and for really taking care of me (rehearsals pa lang kagabi- ilaw, music, camera angles, audio, and pati graphics talagang tinutukan nya)- like i said you have my lifelong gratitude and support because when you didn't have to, naging napakabuti mo sa 'min nila kuya josh & bimb. For the 3 of us #ikawnanga 🧡🧡🧡🧡🧡🧡”
Balikan ang touching moment na ipinasyal ni Willie Revillame si Joshua Aquino sakay sa kanyang Ferrari sa gallery na ito.