GMA Logo Kris Aquino Willie Revillame helicopter
What's Hot

Kris Aquino, thankful sa pakikipag-bonding ni Willie Revillame sa kanyang anak na si Josh

By Cherry Sun
Published March 17, 2020 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Aquino Willie Revillame helicopter


Masaya at nagpapasalamat si Kris Aquino bilang isang ina dahil sa kabutihang ipinapakita ni Willie Revillame sa kanyang anak na si Josh. Ang 'Wowowin' host kasi ay buong umagang nakipag-bonding sa kanyang panganay.

Masaya at nagpapasalamat si Kris Aquino bilang isang ina dahil sa kabutihang ipinapakita ni Willie Revillame sa kanyang anak na si Josh.

Ang Wowowin host kasi ay buong umagang nakipag-bonding sa kanyang panganay.

Pansamantalang kinupkop ni Willie si Kris at ang dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby bago magsimula ang community quarantine.

Magpapalipas na lamang sana sila sa Boracay matapos ianunsyo ang community quarantine ngunit marami silang pangangailangang medikal kaya minarapat ng Wowowin host na ipasundo sila gamit ang helicopter nito.

Kasalukuyang tumutuloy ang mag-iina sa beach resort na ipinatayo ni Willie, at nagpapasalamat si Kris dahil kitang-kita niya ang pagiging mapagbigay ng huli. Upang patunayan ito ay ibinahagi niya ang video ng Wowowin host na kasama si Josh.

Kuwento ni Kris, “The material generosity from Willie is much appreciated, pero ito po yung nagpatunaw sa puso ko bilang mama ni Kuya Josh, dahil ang super favorite niyang si Tito Willie-- binigyan sya ng buong umagang bonding... sabay sila nag breakfast, nag walking, and nag swimming.”

Nagbigay rin ng paalala ang tinaguriang Queen of All Media tungkol sa mga nangyayari kaugnay ng COVID-19.

Aniya, “Ngayon na uncertain ang panahon, lahat tayo may dalang kaba sa ating mga puso, seeing my panganay's smile made me realize, when given the chance- let's choose to love, choose to share, and choose to be kind.”

Kuya Josh has 2 songs of tito willie on repeat mode: Ikaw Na Nga and Kung Para sa 'Yo. ate natchie took these videos of the 2 walking hand in hand this morning so i'd see kuya's happiness. the material generosity from willie is much appreciated, pero ito po yung nagpatunaw sa puso ko bilang mama ni kuya josh, dahil ang super favorite nyang si tito willie-- binigyan sya ng buong umagang bonding... sabay sila nag breakfast, nag walking, and nag swimming... it brings to mind this Maya Angelou quote: PEOPLE WILL FORGET WHAT YOU SAID, PEOPLE WILL FORGET WHAT YOU DID, BUT PEOPLE WILL NEVER FORGET HOW YOU MADE THEM FEEL. ngayon na uncertain ang panahon, lahat tayo may dalang kaba sa ating mga puso, seeing my panganay's smile made me realize, when given the chance- let's choose to love, choose to share, and choose to be kind. 🤍🤍🤍

Isang post na ibinahagi ni KRIS AQUINO (@krisaquino) noong

Kris Aquino is thankful for her "two giants" in her not-so-perfect life

Kris Aquino, inaming ginamit ang pera ng mga Pilipino

WATCH: Kris Aquino, nakapasok sa Wowowin dressing room ni Willie Revillame