
Reunion ng StarStruck Season 4 batchmates na sina Kris Bernal at Jewel Mische ang aabangan sa Family Feud!
Ngayong September 24, exciting ang magiging paghaharap ng dalawa sa mga nagwagi sa reality-based artista search ng GMA. Makakasama pa nila ang kanilang pamilya at mga kaibigan sa pagsagot ng top answers sa Family Feud.
Mula sa The Bernal Family maglalaro ang celebrity mom and talented actress na si Kris. Makakasama niya sa Family Feud ang supportive niyang asawa at businessman na si Perry Vaughn Choi; ang mommy ni Kris na si Analyn Bernal; at ang kapatid ni Kris na si Jose Miguel Bernal.
Nagbabalik telebisyon naman ang Ultimate Sweetheart na si Jewel. Makakasama niyang maglaro sa team na The Shining Sweethearts ang kapatid niyang si Celine Allyson; ang kaniyang high school tutor-turned-friend na si Coni Rivera; at ang aktres at isa sa mga closest friends ni Jewel na si Ynna Asistio.
Mapapanood naman sa studio ng Family Feud ang asawa ni Jewel na si Alister Kurzer.
Abangan ang tapatan ng StarStruck favorites sa Family Feud ngayong Miyerkules, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: