
Bilang isang public figure, hindi na bago para kay Kris Bernal na ma-bash ng netizens sa iba't ibang social media platforms. Ngunit kapansin-pansin ang tila mas maraming pagbibigay ng negatibong komento sa kaniya ng mga tao kumpara sa ibang celebrities.
Sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, March 10, pinuna rin ni King of Talk Boy Abunda ang tila pagiging lapitin ni Kris sa mga basher. Ayon sa aktres, maging siya ay hindi alam kung ano ang nagawa niya para ma-bash ng husto ng netizens.
“Hindi ko nga po alam e, pero siguro dahil shine-share ko rin sa kanila so siyempre hindi naman maiiwasan na may mapapansin, may magba-bash,” sabi ni Kris.
Nang tanungin naman siya kung napikon o lumaban at sumagot siya sa kaniyang bashers, deretsahan sinagot ni Kris na hindi dahil ayaw umano niya itong palakihin. Ngunit pag-amin niya, pinag-uusapan nila ng asawang si Perry Choi ang tungkol dito.
Nag-iwan din ng mensahe si Kris sa kaniyang supporters at bashers, “Ako kasi masasabi ko na lang, ako 'to. Kung mahal n'yo, salamat, thank you nandiyaan pa rin kayo para sa 'kin. Pero kung hindi, hindi ko pipilitin magbago.”
“At saka sa showbiz, parang naramdaman ko na rin na naging pretentious ako for so many years. Ngayon, gusto ko na lang magpakatotoo,” pagpapatuloy ng aktres.
Matatandaan na noong 2020 ay hindi na napigilan ng aktres na magsalita sa kaniyang bashers ng kaniyang workout video sa kaniyang YouTube channel. Sa kaniyang video, nakatanggap umano si Kris ng pamba-bash dahil sa pagsusuot ng swimsuit habang nagwo-work-out.
Sa kaniyang Instagram story, tinugunan ni Kris ang nasabing isyu, “I am receiving so much hate about my latest vlog, about me working out in swimsuit. And honestly, I don't see anything wrong with it. I see a lot of women on the internet working out in swimsuit na winter pa sa kanila, 'di ba? Ewan ko ba.”
Ipinahayag din ng aktres na huwag agad siyang husgahan at panoorin ang kaniyang video ng buo para malaman ang totoong dahilan ng pagsuot niya ng swimsuit habang nagwo-workout.
Sa huli ay pinayuhan ni Kris ang kaniyang mga basher, “If you can't be nice, just be quiet.”
BALIKAN ANG ILAN SA PINAKA MAGANDANG SAGOT NG CELEBRITIES SA KANILANG BASHERS SA GALLERY NA ITO: