GMA Logo Kris Bernal
Source: krisbernal (IG)
What's on TV

Kris Bernal, gusto pa magkaroon ng baby

By Kristian Eric Javier
Published May 19, 2026 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA scores today: Thunder vs Spurs, Western Conference Finals, Game 1
This QC surgeon is redefining Filipino beauty (and why he might turn you away)
Ilonggos, Bacolodnons try to beat May 18 BSKE registration deadline

Article Inside Page


Showbiz News

Kris Bernal


Hiling ng 'House of Lies' actress na bigyan na ng kapatid ang kanyang anak na si Hailee Lucca.

Nitong Linggo, May 17, ipinagdiwang ng House of Lies actress na si Kris Bernal ang kaniyang ika-37 na kaarawan, kaya naman sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, May 18, ibinahagi nito ang kaniyang birthday wish.

“Siyempre another baby. Sana ma-bless pa ng another baby. Gusto ko pa ng maraming-maraming baby. Ang saya, e. Sobrang saya,” sabi ni Kris kay King of Talk Boy Abunda sa episode ng talk show.

Almost three years old na ang anak ni Kris na si Hailee Lucca, anak ng aktres sa asawang si Perry Choi. Nais ng aktres na masundan na ito. “Kasi parang 'pag isa lang, 'pag nakikita kong walang kalaro 'yung anak ko, parang 'Ang sarap siguro 'pag maraming kalaro, maraming kausap, marami siyang napagshe-share-an ng gamit niya."

TINGNAN ANG BUHAY NI KRIS BILANG ISANG INA SA GALLERY NA ITO:

August 15 noong 2023 nang ipanganak ni Kris si Hailee. Sa isang post, ibinahagi ng aktres na nakuha niya ang pangalan ng anak sa awiting “Hallelujah.” Ito umano ang nagsilbing pampatulog niya sa anak, at isang awiting lagi niyang pinapakinggan noong pinagbubuntis niya ito.

Samantala, ipinagdiwang naman ni Kris ang kaniyang kaarawan nitong Linggo sa pamamagitan ng isang birthday photoshoot. Sa Instagram, caption niya sa post, “37 years of life, lessons, heartbreaks, victories, beginnings, endings, and becoming. Looking back, I realize that every season shaped me into who I am today.”

Ibinahagi rin ni Kris ang iba't ibang leksyon na natutunan niya sa buhay, “The pain taught me resilience, the failures taught me humility, and the quiet moments taught me peace. And, some things are just simply meant to be felt, experienced, and quietly appreciated.”

Sa hiwalay na post, ibinahagi ng aktres kung papaano siya nabago ng pagiging ina. Aniya, sa pagbabagong ito ginusto rin umano ni Kris na makipag-reconnect sa sarili. “I realized that getting 'back to myself' isn't about looking exactly the same - it's about feeling strong, confident, and happy again,” sabi ni Kris.