
Halos tatlong taon na mula nang ipanganak si Hailee Lucca, anak nina Kris Bernal at Perry Choi. Nitong Linggo, May 17, ipinagdiwang ng House of Lies actress ang kaniyang ika-37 na kaarawan at ibinahagi ng aktres ang kaniyang birthday wish sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes (May 18).
“Siyempre another baby. Sana ma-bless pa ng another baby. Gusto ko pa ng maraming-maraming baby. Ang saya, e. Sobrang saya,” sabi ni Kris nang hingin ni King of Talk Boy Abunda ito sa naturang episode ng talk show.
Paglilinaw ni Kris, hindi naman siya galing sa malaking pamilya kaya gusto niya ay ganu'n din sila ni Perry. Sa halip, ito ay para sa kaniyang anak kaya gusto pa niyang magkaroon ng isa.
“Kasi parang 'pag isa lang, 'pag nakikita kong walang kalaro 'yung anak ko, parang 'Ang sarap siguro 'pag maraming kalaro, maraming kausap, marami siyang napagshe-share-an ng gamit niya,'” sabi ni Kris.
August 15 noong 2023 nang ipanganak ni Kris si Hailee. Sa isang post, ibinahagi ng aktres na nakuha niya ang pangalan ng anak sa awiting “Hallelujah.” Ito umano ang nagsilbing pampatulog niya rito at ang kanyang pinapakinggan noong pinagbubuntis niya ito.
Samantala, ipinagdiwang naman ni Kris ang kaniyang kaarawan nitong Linggo sa pamamagitan ng isang birthday photoshoot. Sa Instagram, caption niya sa post, “37 years of life, lessons, heartbreaks, victories, beginnings, endings, and becoming. Looking back, I realize that every season shaped me into who I am today.”
Ikinuwento rin ni Kris ang iba't ibang leksyon na natutunan niya sa buhay, “The pain taught me resilience, the failures taught me humility, and the quiet moments taught me peace. And, some things are just simply meant to be felt, experienced, and quietly appreciated.”
Sa hiwalay na post, ipinaliwanag naman ng aktres kung papaano siya nabago ng pagiging ina. Ngunit aniya, sa pagbabagong ito ginusto rin umano niyang na makipag-reconnect sa sarili.
“I realized that getting 'back to myself' isn't about looking exactly the same - it's about feeling strong, confident, and happy again,” sabi ni Kris.
TINGNAN ANG BUHAY NI KRIS BILANG ISANG INA SA GALLERY NA ITO: