
Inilahad ni Kris Bernal ang kaniyang kasiyahan bilang bahagi ng TiktoClock.
Isa si Kris sa mga Kapuso stars na napapanood sa morning variety show. Kasama rin siya sa pagdiriwang ng ikaapat na anniversary ng TiktoClock na nagsimula noong July 27 at magpapatuloy hanggang 31.
Sa panayam ng Unang Hirit, sa ulat ni Athena Imperial, ikinuwento ni Kris kung bakit espesyal para sa kaniya ang programa.
"Ang saya ng 'TiktoClock', parang nare-relax ako."
Inamin din ng aktres na kahit trabaho ang pagpunta niya sa set ng TiktoClock, itinuturing niya itong kaniyang "me time."
"Actually, in a week, 'yun yung me time ko rin. Pahinga ko. Pahinga ko na trabaho siya kasi ang saya lang sa set. And then, pamilya talaga kami doon."
Patuloy na maki-happy time sa 4th anniversary ng TiktoClock. Panoorin ito Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.