
Happy at nag-e-enjoy si Kris Bernal bilang isa sa hosts ngayon ng GMA variety show na TiktoClock.
Bukod dito, abala rin si Kris sa iba pang projects sa showbiz at sa pagiging isang hands-on mom sa adorable daughter nila ni Perry Choi na si Hailee.
Sa recent interview ni Athena Imperial sa Kapuso actress, nagkuwento siya tungkol sa kanyang goals at plans sa susunod na taon.
Ayon kay Kris, plano at hoping siya na magkaroon na sila ni Perry ng second baby.
Pahayag niya, “Plano ko next year magka-baby na ako, gusto ko na mag-second baby.”
Sabi pa ni Kris, inilalaan niya muna ang taon na ito sa pag-aalaga sa kanyang sarili at career bilang isang artista.
“Itong year na 'to, I want to dedicate it to myself, taking care of myself, working,” sabi niya.
Si Kris ay napanood bilang si Thea Torrecampo sa intense, family-centered drama series na House of Lies.
Nakasama niya rito sina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin del Rosario, at marami pang iba.
Related gallery: Kris Bernal through the years