
Ayon sa actress-entrepreneur na si Kris Bernal, limang beses nang nausog ang wedding day nila ng kanyang fiance na si Perry Choi dahil sa dumadaming bilang ng COVID cases.
Sa panayam ni Kris sa Unang Hirit, ibinahagi niya ang adjustments na ginawa para sa kanilang kasal.
Photo courtesy: Unang Hirit
“Siguro mga 4 times na siyang nausog. Actually parang pang-lima na naman.
“Actually, kaka-announce ko lang parang a week before na it's going to happen on September 25. So, one month to go na lang, di ba?
“But then, since just yesterday, parang we decided.. Ahh sobrang na-depressed talaga ako as in hindi ako makausap kahapon kasi finally nag-decide na kami na kailangan talaga namin siya i-move because of the COVID surge nga. Ang taas taas ngayon di ba?” ani Kris.
Napili daw ng aktres ang Magallanes Church na maging venue ng kanilang kasal dahil lumaki din siya sa area na iyon sa Makati.
“Doon din ako nag-church kaya napili ko 'yon and, at the same time, kasi gusto ko nga grand lahat,” pagbahagi ni Kris.
Patuloy niya, “Alam mo, sabi nga nila 'Kris, ang arte arte mo. Bakit hindi ka na lang mag-civil, mag-simple wedding?' Pero ako kasi 'yung tao na gusto ko grand lahat.
“So gusto ko yung may grand entrance, may malaking door tapos gusto ko 'yung dahan-dahan ako... ganon.”
Inilahad din ng actress-entrepreneur na “sunflower” ang motif ng kanilang kasal.
Maliban dito, ipinakita rin niya ang kanyang sexy bridal photoshoot na mayroong mensahe para sa mga body shamer.
Kamakailan lamang, inilahad ni Kris Bernal na gaganapin sa September 25 ang kanilang kasal ni Perry Choi at mapapanood ito via livestream sa YouTube.
Samantala, muling silipin ang dreamy prenup photoshoot ni Kris Bernal at Perry Choi sa gallery na ito: