
Abala man sa kanyang showbiz career, sinisiguro ng celebrity mom na si Kris Bernal na napaglalaanan niya ng oras at atensyon ang kanyang adorable daughter na si Hailee.
Hands-on at loving mom si Kris kay Hailee at thankful siya na kahit busy sa pagtatrabaho bilang artista ay nagagampanan niya ang real-life mom role niya.
Ibinahagi ng former House of Lies actress sa recent interview sa kanya ni Athena Imperial na thankful siyang nasasaksihan niya ang milestones ng kanyang anak.
“After House of Lies finished, sakto nagkaroon din ng schedule ng recognition and I can be present. Present talaga ako so sabi ko ang galing ng time,” sabi niya.
Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ibinahagi niya rin ang recent Moving Up Day ni Hailee.
Bukod sa career, wife at mom duties kina Perry Choi at Hailee, ine-enjoy rin ni Kris ang pag-try ng iba't ibang sports at activities, kung saan ang focus ay ang pag-aalaga niya sa kanyang sarili.
Napanood siya kamakailan lang bilang si Thea Torrecampo sa intense, family-centered drama series na House of Lies, kung saan nakasama niya sina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin del Rosario, at marami pang iba.