What's Hot

Kris Bernal, willing maging ninang ng anak nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica?

By MICHELLE CALIGAN
Published June 7, 2017 3:06 PM PHT
Updated July 4, 2017 5:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Karl Eldrew Yulo qualifies for floor exercise final in Baku leg of Gymnastics World Cup
Sayran nato ang dagan sa Panahon karong Adlawa March 5, 2026 | Balitang Bisdak
New Engines, New Faces: Meet the F1 drivers of the 2026 season

Article Inside Page


Showbiz News



Sa press conference ng 'Impostora,' hindi naiwasang itanong ng entertainment press kay Kris kung open ba siya sa idea na maging ninang ng "little prince" nina Aljur at Kylie. 

 

 

Matagal na naging mag-love team sina Kris Bernal at Aljur Abrenica, kaya hindi naiwasang tanungin ng press si Kris kung bukas ba siya sa ideyang maging ninang ng 'little prince' nina Aljur at Kylie Padilla.

 

WATCH: Kylie Padilla's teary-eyed message for soon-to-be-born son

"Oo naman, gusto ko nga eh. Hinihintay ko nga [na sabihan ako] (laughs)," saad ng aktres nang makapanayam ng ilang miyembro ng entertainment press sa grand launch ng kanyang pagbibidahang Afternoon Prime series na Impostora.

IN PHOTOS: At the press conference of 'Impostora' 

Dagdag pa niya, "Hindi ko pa nakakausap si Aljur, pero kapag in-invite ako, why not? Wala naman [problema sa kanila]. Hindi naman ako against sa relationship nila. At the same time, si Aljur, kilalang-kilala ko 'yan. Mata-touch ako kapag binigyan ako ng ganung responsibility. Pero wala pa naman sa ngayon."

Ngayong July na nakatakdang manganak si Kylie.