GMA Logo katrina halili
Photos from Katrina Halili YouTube channel
Celebrity Life

Kris Lawrence, nagpaalam na manligaw kay Katrina Halili

By Jansen Ramos
Published June 24, 2026 3:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

POC formally suspends PNVF following FIVB's ruling
Bianca Umali travels to Seoul
XU, CLI welcome DENR-10 resolution affirming rights to Manresa property

Article Inside Page


Showbiz News

katrina halili


Bagama't wala pang sagot si Katrina Halili sa tanong ni Kris Lawrence, may basbas na ng kanilang anak na si Katie ang panliligaw ng singer sa Kapuso actress.

Nag-iwan ng emotional letter ang singer na si Kris Lawrence para kay Katrina Halili bago bumalik ng Amerika.

Sa recent YouTube vlog ni Katrina Halili, mapapanood na inihatid pa si Kris ni Katrina at kanilang anak na si Katie sa airport bago basahin ang sulat.

Dito ipinahayag ng mang-aawit ang kanyang kagustuhang manligaw sa Kapuso star, na nakarelasyon niya nang limang taon mula 2009 hanggang 2014. Isinilang ni Katrina ang kanilang anak noong 2012.

Panimula ni Kris sa sulat, "Ang dami kong gustong sabihin pero ang pinakaimportante sa lahat, thank you. Thank you for giving me the chance na makilala ka ulit—the conversation, random moments, and even the quiet times na magkasama tayo."

Sa puntong ito, hindi na napigilang maiyak ni Katrina habang binabasa ang handwritten letter ni Kris.

Pagpapatuloy ni Kris sa sulat, "These past few months have been really special to me. The more I get to know you, the more that I appreciate you, yung kindness and the way you love Katie and yung mga taong mahalaga sa 'yo."

Ayon pa kay Kris, thankful siya na nagkaroon silang muli ng komunikasyon ni Katrina. Ngayong 2026 lang ulit sila nag-usap ilang taon matapos silang maghiwalay.

"I'm not here to rush anything. I just want you to feel safe, safe to be yourself, safe to take your time, safe that knowing whatever happens, my intentions with you are genuine. Baka hindi aksidente na life gave us this opportunity to reconnect. Maybe we were meant to reconnect at this version of ourselves—wiser, stronger, and hopefully better than before."

Sa huling bahagi ng sulat, ipinahayag ni Kris ang kanyang kagustuhang manligaw kay Katrina.

"May gusto akong itanong sa 'yo? Pwede bang manligaw sa 'yo? Not because of our history, not because of Katie, not because of what people want, but because of you. If you allow me, I'd love the chance to know you more, make you smile more, support you, and choose you every single day."

Ayon pa kay Kris, handa siyang maghintay sa magiging desisyon ni Katrina.

"And if your answer isn't today, that's okay. Hindi naman ako nagmamadali because right now, masaya na ako kung anong meron tayo. And I'm genuinely happy that I get to spend this season of my life. Mami-miss ko kayo ni Katie, sobra. Love, Mr. B (Kris)."

Para kay Katrina, ikinatutuwa niyang makilala ang bagong bersyon ni Kris ngayong pareho na silang mas naging mature.

Bagama't wala pa siyang sagot sa tanong ni Kris, may basbas na ni Katie ang panliligaw ng kanyang ama sa kanyang mommy.

Panoorin ang vlog sa ibaba.

Video courtesy of Katrina Halili (YT)

Samantala, kasalukuyang napapanood si Katrina sa GMA family sports drama series na Kamao.

RELATED FEATURE: Katrina Halili and Katie's beautiful mother-and-daughter moments