GMA Logo Kristel Fulgar, Suhyuk Ha
Courtesy: Kristel Fulgar (YouTube)
Celebrity Life

Kristel Fulgar takes Korean boyfriend Suhyuk Ha to Cebu

By EJ Chua
Published February 20, 2025 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robotic system seeks to transform traditional excavation techniques
State of local emergency declared in Tawi-Tawi town due to fuel supply shortage
Glaiza de Castro shares story behind her pad paper barong

Article Inside Page


Showbiz News

Kristel Fulgar, Suhyuk Ha


Masayang ipinaranas ni Kristel Fulgar ang kultura at mga gawi sa Pilipinas sa kaniyang Korean boyfriend na si Suhyuk Ha.

Nagbakasyon sa Pilipinas ang Korean boyfriend ni Kristel Fulgar na si Suhyuk Ha.

Sa unang vlog na in-upload ni Kristel sa YouTube, ipinasilip niya ang unang pagkikita ng kaniyang partner at ng kaniyang pamilya sa Pilipinas.

Kasunod nito, isinama ng content creator ang kaniyang ina at si Suhyuk Ha sa Cebu.

Mapapanood sa hiwalay na vlog ang napakaraming sweet at kulitan moments ng mag-boyfriend habang sila ay lumilibot.

Proud na ipinaranas ni Kristel kay Suhyuk ang pagpara, pagsakay sa jeep, at pati na rin ang pagbabayad dito noong papunta sila sa isang sikat na coffee shop sa Cebu.

Umabot na sa mahigit 410,000 views ang naturang vlog ni Kristel na may title na "Introducing Philippines to my Korean boyfriend (Cebu Vlog)".

Mababasa naman sa comments section ang reaksyon ng netizens sa nakakakilig na moments ng real-life couple habang magkasamang nag-e-enjoy sa kanilang bakasyon sa bansa.

Samantala, matatandaang kinilala ng Seoulcon APAN Star Awards si Kristel bilang Global Creator of the Year noong 2023.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 2.79 million subscribers ang Pinay content creator sa YouTube.