GMA Logo Oyo Sotto and Kristine Hermosa
Celebrity Life

Kristine Hermosa, naging emosyonal sa birthday message ni Oyo Sotto

By Aedrianne Acar
Published September 9, 2020 11:36 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Oyo Sotto and Kristine Hermosa


Wala pa ring kupas ang ganda ng aktres na si Kristine Hermosa na nagdiriwang ng kanyang 37th birthday ngayong Miyerkules, September 9.

Simple man ay talagang nakakaantig ang birthday message ng Daddy's Gurl star na si Oyo Sotto para sa kanyang misis na si Kristine Hermosa.

Sa Instagram post ni Oyo, makikita ang ilang throwback photos nila ni Kristine na kinunan 10 years ago.

Ani Oyo, “Found old pictures from 10 years ago, back when you guested in Midnight DJ Few months before our wedding @khsotto”

Ramdam ang labis na pagmamahal ng anak ni Bossing Vic Sotto kay Kristine at sinabi nito na taos-puso ang pasasalamat niya sa Diyos na siya ang babaeng pinakasalan niya.

“Happy birthday mahal ko! I always thank the Lord na ikaw ang napangasawa ko. Salamat sa iyong walang katapusang pasensya sa akin, sa pag aalaga mo sakin at sating mga anak.

“Maraming salamat sa pag mamahal mo. Mahal na mahal kita..”

Happy birthday mahal ko! I always thank the Lord na ikaw ang napangasawa ko. Salamat sa iyong walang katapusang pasensya sa akin, sa pag aalaga mo sakin at sating mga anak. Maraming salamat sa pag mamahal mo. Mahal na mahal kita...❤️ ...Found old pictures from 10 years ago, back when you guested in Midnight DJ 😂 Few months before our wedding❤️ @khsotto

A post shared by Oyo Sotto (@osotto) on

Hindi naman napigilan ni Kristine na maiyak nang mabasa ang sweet message ng kanyang mister at sinabi nito na si Oyo at kanilang mga anak ang naging sagot sa pinakaimportanteng dasal niya.

Kristine Hermosa reacts to Oyo Sottos birthday message

Celebrities greet Kristine Hermosa on her birthday

Ipinagdiwang ng Sotto couple ang kanilang 9th wedding anniversary noong January 12, 2020.

LOOK: Kristine Hermosa's photos that show she is ageless in her 30s

WATCH: Oyo Sotto at Kristine Hermosa, nagpakilig sa kanilang paglalaro sa swimming pool