
Isa si Kristine Hermosa sa mga aktres na talaga namang humakot ng napakaraming tagahanga noong siya ay nasa show business pa.
Kahit ilang taon na ang nakalipas, kapansin-pansin na marami pa ring fans si Kristine kahit na sa kasalukuyan ay abala na siya sa kaniyang family life.
Sa kaniyang latest post sa Instagram, mapapanood ang kaniyang video habang naghahanda sa Valentine's date nila ng asawa niyang si Oyo Sotto.
Habang nagme-makeup, kilig na kilig niyang ikinuwento, “Oyo asked me out… Parang high school…”
Mapapanood sa video na walang kakupas-kupas ang kagandahan ng dating aktres.
Ang solid fans ni Kristine, hindi napigilang mag-react at mag-comment tungkol sa kaniyang beauty.
Ang netizen na si wangongbak sinabing drop-dead gorgeous pa rin ang celebrity mom.
Ayon sa IG follower ni Kristine na si abiaquinoooooo, “Grabe timeless beauty.”
Sabi naman ni samanthahibo11, “Parang hindi kayo nagka-edad Ms. Tin hehehe, infinity beauty.”
Sa kasalukuyan, mayroon nang 49,000 likes at 730 comments ang naturang post ni Kristine.
Samantala, ikinasal si Kristine sa anak nina Dina Bonnevie at Vic Sotto na si Oyo noong January 12, 2011.
Mayroon silang limang anak na sina Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Kaleb Hanns, Vin, at Isaac.
SILIPIN ANG PRIVATE HOME NINA OYO SOTTO AT KRISTINE HERMOSA SA GALLERY SA IBABA: