Article Inside Page
Showbiz News
Bihira sa mga kabataang artista ang napagsasabay ng pag-aaral at commitments sa showbiz. Ngunit para kina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez, dapat pagtuunan ng pansin ang pag-aaral lalo na kung may extra kang oras.

Bihira sa mga kabataang artista ang napagsasabay ng pag-aaral at commitments sa showbiz. Ngunit para kina Kristoffer Martin at Kim Rodriguez, dapat pagtuunan ng pansin ang pag-aaral lalo na kung may extra kang oras.
Noong press conference ng
Paraiso Ko’y Ikaw, inamin ni Kristoffer Martin na muntik na siyang ma-late dahil galing umano siya sa school. Aniya, “Nakiusap lang ako sa prof ko kung puwede akong umalis ng maaga kasi may commitment din ako rito.”
Si Kristoffer ay kumukuha ng kursong Entrepreneurship sa San Beda. Ayon sa kanya, two years ago nang una siyang nag-take ng Entrepreneurship sa San Beda ngunit hindi ito kinaya ng kanyang schedule.
Dagdag niya, “Actually kasi noong mga panahon na 'yun, ‘yung puso ko trabaho lang nang trabaho.”
Ngayon naman ay na-realize na umano ni Kristoffer ang kahalagahan ng edukasyon bukod sa pagtatrabaho. Aniya, “’Yung education importante rin. For me kasi, gusto ko may maipagmamalaki ako sa mga magulang ko na nakapagtapos ako.”
Bukod kay Kristoffer, pinahahalagahan din ng kanyang ka-loveteam na si Kim ang edukasyon.
Kuwento niya, mag-e-enroll siyang muli kapag maluwag na ang kanyang schedule sa trabaho.
“Siguro po after ng
Paraiso Ko'y Ikaw. kasi tuwing Monday, Wednesday, at Friday po ‘yung taping so baka hindi ko kayanin kapag pinagsabay ko. Pero dapat po mag-e-enroll ako after ng
Kakambal ni Eliana, kaso nga lang po noong nag-meeting kami ng Artist Center baka hindi ko kayanin kapag pinagsabay ko. Kaya huwag muna ngayon para hindi masayang.”
Si Kim naman ay kukuha ng kursong Tourism.
Abangan ang paglabas nina Kristoffer at Kim bilang Tupe at Josephine sa
Paraiso Ko’y Ikaw.
- Text by Maine Aquino, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com