GMA Logo Kristoffer Martin and Kathryn Bernardo
What's Hot

Kristoffer Martin, binalikan ang kanyang pagsisimula sa showbiz sa 'Endless Love'

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 5, 2021 3:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Kristoffer Martin and Kathryn Bernardo


"Sobrang payat ko non!" saad ni Kristoffer Martin nang balikan ang kanyang pagsisimula sa showbiz.

Nagsisimula pa lamang noon ang showbiz career ni Kristoffer Martin nang mapabilang siya sa Philippine adaptation ng Endless Love na pinagbidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Ginampanan ni Kristoffer ang younger version ng karakter ni Dingdong na si Johnny. Dito niya nakatambal si Kathryn Bernardo na gumanap naman bilang batang Jenny.

"Sobrang natutuwa ako. Sabi ko, parang ang saya-saya gumawa, para kaming nasa Koreanovela talaga," pag-amin ni Kristoffer sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

"Kasi nung pinanood ko ulit 'yung mga snippets before, sabi ko parang Koreanovela at saka sobrang payat ko n'on, para akong tingting."

Muling mapapanood ang Endless Love simula sa Lunes, June 7, sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Yaya at bago ang Heartful Cafe.

Pagkatapos ng Heartful Cafe, bumida na si Kristoffer sa ilan pang Kapuso shows tulad ng Tween Hearts, Ikaw Lang ang Mamahalin, at Babawiin Ko Ang Lahat.

Samantala, alamin kung nasaan na ang ibang cast ng Endless Love sa gallery na ito.

LOOK: Kristoffer Martin posts throwback photo with Kathryn Bernardo