
Natutuwang binalikan ng Makiling actor na si Kristoffer Martin ang unang drama series niya sa GMA, ang Endless Love, kung saan siya mas nakilala ng maraming manonood bilang Young Johnny.
Labing-tatlong taong gulang lamang noon si Kristoffer nang mapabilang sa serye at makatambal ang aktres na si Kathryn Bernardo, na gumanap naman bilang young Jenny.
Sa interview sa Surprise Guest with Pia Arcangel, inamin ni Kristoffer na naging crush niya si Kathryn noong panahong iyon.
"Opo. Parang for me it added na lang din doon sa... 'yung chemistry namin kung paano namin s'ya ginawa. Pero s'yempre hindi ko po inamin sa kanya," natatawang sabi ng aktor. "At saka sana hindi n'ya 'to mapanood."
Matatandaan sa interview sa Fast Talk with Boy Abunda noong Pebrero, ibinahagi ni Kristoffer ang kagustuhang muling makatrabaho si Kathryn.
"Kath, baka naman 'di ba? Work tayo. Sayang 'yung 'Endless Love' oh. Tuloy natin."
Kasalukuyang napapanood si Kristoffer bilang Sebastian sa hit afternoon series na Makiling kasama sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.
Pakinggan ang buong interview ni Kristoffer Martin sa Surprise Guest with Pia Arcangel sa podcast na ito:
BALIKAN ANG ILAN SA MGA AKTOR NA NAPANOOD SA ENDLESS LOVE SA GALLERY NA ITO: