GMA Logo Kristoffer Martin
Photo by: kristoffermartin (IG)
What's Hot

Kristoffer Martin, may pinaghahandaang bagong proyekto

By Aimee Anoc
Published November 17, 2022 6:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Kristoffer Martin


May bagong proyektong dapat na abangan ang fans ni Kristoffer Martin.

May bagong proyektong pinaghahandaan si Kapuso actor Kristoffer Martin!

Sa naganap na Kapuso ArtisTambayan noong November 17 kasama ang host nitong si Betong Sumaya, sinagot ni Kristoffer ang tanong kung may bago nga ba siyang proyektong dapat na abangan ng fans?

Ayon kay Kristoffer, may gagawin siyang proyekto na mapapanood sa susunod na taon. Aniya, "May gagawin kami. Hindi ko kasi pwede i-disclose kuya [Betong] pero may gagawin na. Makikita na nila ako next year."

Noong Hunyo, napanood si Kristoffer bilang batang Onats sa Afternoon series na The Fake Life, kung saan muli niyang nakasama sina Jake Vargas at Bea Binene.

Samantala, bukod sa pag-arte ay abala rin si Kristoffer bilang isang recording artist. Sa katunayan, agad na pumangwalo sa iTunes Philippines chart ang bagong niyang awitin under GMA Music, ang "'Di ba?" nang ilabas ito noong September 30.

Panoorin ang performance video ng "'Di ba?" rito:

MAS KILALANIN SI KAPUSO ACTOR KRISTOFFER MARTIN SA GALLERY NA ITO: