GMA Logo kristoffer martin
Courtesy: Kristoffer Martin on Facebook (left)/Blackfire Entertainment Film Production (right, Kanye Avendaño and Zaijian Jaranilla)
What's Hot

Kristoffer Martin, naka-relate sa experience ng young actor na si Kanye Avendaño

By Aedrianne Acar
Published October 24, 2026 12:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marvel previews 'Avengers: Doomsday' in MLB crossover teaser
Check out these Halloween happenings around the country
Farm to Table: Kulit at food trip!

Article Inside Page


Showbiz News

kristoffer martin


Naalala ni Kristoffer Martin ang katulad ng experience ng 12-year-old actor na si Kanye Avendaño, na nakatanggap ng malisyosong tanong sa isang media conference.

Napa-react si Kristoffer Martin sa naranasan ng young actor na si Kanye Avendaño sa isang media conference.

Sa viral video na kuha mula sa naturang event, tinanong kasi si Kanye ng isang entertainment reporter kung may plano rin siyang maging bahagi ng Vivamax, na kilala sa mga adult content nito.

Bago pa man makasagot si Kanye, agad na pinaalala ni Zaijian Jaranilla na mag-ingat sa mga tanong sa kanyang co-star: “Underage pa po si Kanye kaya ingat po sa mga ganung tanong.”

Nang makita ang naturang video, ibinahagi ng Tween Hearts actor na si Kristoffer ang kaparehong karanasan niya.

Sa kanyang Threads post, sinabi ni Kristoffer, “Tween hearts days pa lang namin I was 14yrs old back then mga tanong '[R]eady ka na ba sa mga daring roles? Magpapakita ka ba ng p*** soon?'”

Aminado ang 31-year-old actor na nagulat din siya noon nang may nagtanong sa kaniya ng ganitong kaselan na bagay. Pagbabalik-tanaw ni Kristoffer, “Yung stunned ka sa mga tanong tapos walang magawa kasi “norm” daw. Buti na lang nacacall na tong mga to ngayon. And yes yang binabanggit niyo, isa rin siya dati. Jusko walang character development."

INSET: Kris Inside
IAT: xx Source: kristoffermartin_ (Threads)

Samantala, abangan si Kristoffer sa upcoming medical drama series na Code Grey, kung saan pagbibidahan ito ng good friend niya na si Alden Richards.

Related gallery: Kapuso 'Tween Hearts' stars stunning transformations